Rescue boat sa Naga, naka standby na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Betty

NAGA CITY – Nakahanda na ang mga personahe ng Naga City Disaster Risk Reduction Management Office sa posibleng magiging epekto ng Super Typhoon Betty na sinasabing magdadala ng malakas na pag-uulan.

Bahagi ng kahandaang ito ay ang pag standby ng rescue boat sa Barangay Calauag, isa sa binabahang lugar, kung may sama ng panahon o bagyo.

Inalerto na rin ang mga barangay opisyal na alam na ring ang mga gagawin, lalo na iyong may mga ini-evacuate at  mga nakatira malapit sa Naga river.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Ernesto Elcamel, head ng CDRRMO sinabi niyang bukod sa rescue boat, lagi ring nakahanda ang iba pa nilang mga emergency equipments, mga gamot at iba pang kailangan ng mga nasa barangay.

May chat group din anya sila ng 27 punong barangay ng lungsod, kaya madali niyang nalalaman ang mga nangyayari agad niya namang naibibigay ang instructions sa mga ito ng mga dapat gawin.

Ang tubig sa Naga River ay binabantayan din nila, sa posibleng pagtaas na naman nito na isa sa nagdudulot ng pagbabaha sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *