Rescue operations sa mga na-trap sa isang kweba sa Slovenia, sinimulan na

Pinasok ng mga divers ang binahang 8.2-km na kuweba ng Slovenia upang subukang ilikas ang limang tao na na-trap sa kaloob-looban mula pa noong Sabado habang nagsisimulang bumaba ang lebel ng tubig.

Ayon sa head ng Cave Search and Rescue Unit Slovania na si Maks Merela, madaanana na ang unang seksyon ng kuweba, kaya umaasa siyang makakalabas ang mga biktima.

Pansamantalang sumilong ang grupo sa isang ligtas na lugar habang naghihintay na ma-rescue.

Dinalhan rin sila ng pagkain, tubig, gamot at isang pinainit na tent, ngunit patuloy pa ring tumataas ang tubig sa loob ng kweba kaya’t kinakailangan na silang ilikas sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *