Residential area sa Tramo, Pasay – nasunog

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nangyari sa Brgy. 54 Tramo, Pasay City, alas-sais kagabi.

Nagtulong-tulong na ang mga residente para mano-manong malagyan ng tubig ang truck ng bumbero dahil makitid kasi ang daanan sa naturang lugar kaya hindi kayang pumasok ng iba pang firetruck.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa tatlumpu’t pamilya ang apektado sa nangyaring sunog.

Pansamantalang mananatili ang mga nasunugan sa covered court ng barangay.

Ayon sa isang residente, may naiwan daw na nakasaksak na appliance sa isang nakakandadong bahay.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP sa tunay na sanhi at danyos ng pinsala sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *