Responsable sa mga nakawan sa Magsaysay , Naga , nadakip na!

NAGA CITY- Sapol sa kuha ng CCTV ang pagnanakaw sa isang kilalang  restaurant sa Naga City; ang suspek responsable rin sa pagnanakaw sa iba pang mga establishment sa Magsaysay Avenue.

Nagpaabot ng sumbong sa Police Station 6 ang operations manager sa Naga na residente ng Barangay Pacol, pinasok ng kawatan ang kanilang puwesto. Kinuha ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng kabuohang P22,000  pati cash na P900.00 tinangay rin.

Sa pinag-isang puwersa ng  Theft and Robbery Unit  kasama ang mga kauhan ng PS6 at intel naaresto ang 26-anyos na suspek na residente ng Greenland , Concepcion Pequeña. Nabawi rito ang cellphone at nakuhanan pa ang pakete ng hinihinalang shabu.

Siya rin ang itinuturong responsable sa panloloob sa café , advertising shop, isa pang restaurant at huli ang Christian Fellowship Church.

Ngayon , mga rehas na bakal na ang hinihimas ng kaniyang malikot na  kamay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *