Restrictive custody sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Mayor Aquino ipinag-utos ni Eleazar

Itinuturing ni Philippine National Police chief Brig. Gen. Guillermo Eleazar na welcome development ang isinampang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa sampung pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong Marso.

Ayon kay Eleazar nang malaman niya kagabi ang pormal na paghahain ng NBI ng kasong murder at frustrated murder agad niyang ipinag-utos sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Police Regional Office – 8 na ilagay sa restrictive custody ang mga isinasangkot na pulis.

Sinabi ni Eleazar na bagamat may sariling imbestigasyon ang PNP sa naturang kaso maganda na rin umano at may sariling imbestigasyon ang NBI para mawala ang pagdududa ng publiko.

Tiniyak din ng PNP chief na mas paiigtingin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa NBI kaugnay sa kaso para lumabas ang katotohanan at makamit ang hustisya ng mga biktima.

Magugunitang lumalabas sa imbesitigasyon ng NBI na sinadya ang pagpatay kay Mayor Aquino batay sa mga testigo at nakalap nitong CCTV footages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *