National

Panel review result sa mga PNP officials re: illegal drug trade, matatapos na sa loob ng 2 linggo

Inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo ang resulta ng screening sa mga opisyal at kawani ng Philippine National Police na iniuugnay sa illegal drug trade.

Sa isang pahayag , sinabi ng Presidential Communications Office na inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na napaka kumplikado ng prosesong ito dahil nais ng mga awtoridad na maging patas ito.

Sa pulong ng peace and order councils sa MalacaƱang, sinabi ni Marcos na ang internal cleansing ay naglalayong lutasin ang ipinagbabawal na kalakalan ng droga sa bansa at tumulong sa pagtatatag ng isang mapagkakatiwalaang puwersa ng pulisya.

Nauna nang nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos sa lahat ng police colonels at generals na magsumite ng courtesy resignation matapos matuklasan sa imbestigasyon na iilan sa kanila ang sangkot sa illegal drug trade.

Pinangunahan ni National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang 5-man committee na inatasang suriin ang courtesy resignations ng mga top-ranking police.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago