Resupply mission ng BFAR – ‘di matitinag sa kabila ng panibagong water cannon bombing incident ng China

Nagtamo rin ng pinsala ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos itong sabayang bombahin ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) at banggain ng mga Maritime Militia Vessels nito.

Sabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, nagtamo ng damage ang kanilangradio system, pati na rin ang electrical navigation nito.

Nagkaroon di umano ng superficial damage sa hull ng barko dahil sa walong beses na pagbuga ng high-pressure water cannon ng China.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na magtutuluy-tuloy pa rin ang kanilang humanitarian mission at livelihood intervention.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) – nagsagawa ng resupply mission at maritime patrol ang BRP Bagacay (MRRV-4410), at ang BRP Bankaw(MMOV-3004) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Unang binomba ng tubig ng CCG-3305 ang BRP Bankaw; at nang makalapit na ang BRP Bagacay ay tska na ito sabayang binomba ng Chinese ships na CCG-3105 and CCG-5303.

Muli rin umanong nag-install ng 380-m floating barriers ang CCG para harangan ang entrance ng Bajo de Masinloc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *