Retired SC Justice: dapat tumugon si Quiboloy sa subpoena ng senado

Binigyang-diin ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio sa kanyang inilabas na press statement na responsibilidad ng bawat indibidwal na humarap sa Senado matapos makatanggap ng subpoena mula rito.

Ito ay alinsunod sa pagtanggi ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na humarap sa komite ni Senadora Risa Hontiveros sa kabila ng subpoena sa kanya.

Ayon kay Carpio, maari lang magamit ang ground na Right against Self-Incrimination kung may incriminating questions ng itinatanong kay Quiboloy.

Dagdag pa niya, obligasyon ng bawat indibidwal ang pagtugon sa subpoena bilang pagpapakita ng respeto sa dignidad ng Kongreso at maging sa mga komite nito.

Maalala, matapos ang pagsumite ni Quiboloy ng Compliance at Legal Justification ay napagdesisyunan ng Senado na ipagpatuloy ang arrest order laban sa kanya dahil sa tila re-hash na lang umano ang ibinigay nitong rason.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *