Reunion concert ng Rivermaya, all set na sa Pebrero

Nakahanda na ang mga miyembro ng iconic Filipino band na Rivermaya na sina Bamboo, Rico Blanco, Mark Escueta at Nathan Azarcon para sa kanilang reunion concert sa Pebrero 17.

Hindi pa rin sila makapaniwala na mangyayari ito, lalo na’t sila ang kauna-unahang Filipino artist na ipo-produce ng LiveNation.

Ilan sa paghahanda naman na ginawa ni Bamboo ay ang pag “Re-Listen” niya sa kanilang old albums, kung saan naramdaman niya ang nostalgia habang ginagawa ito.

Inilarawan nila na ang magaganap sa Pebrero ay higit pa sa isang reunion concert dahil itinuturing nila itong selebrasyon para sa kanilang mga tagahanga at pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *