Review ng prangkisa ng NGCP, magpapatunay kung nagpabaya ba ang ahensya

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na nararapat lang na alisin na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa industriya.

Ito ay kung nagsisilbi na itong hadlang sa pagtupad sa pangarap na pagkakaroon ng mura at maasahang suplay ng kuryente para sa bawat Pilipino.

Kaugnay nito, tiniyak ni Hontiveros na idadaan nila sa pagre-review ang mismong legislative franchise ng NGCP sa Senado kung mapatutunayang naging pabaya o incompetent ito bilang system operator.

Maalala, nagsimula ang pagsusulong ng imbestigasyon sa NGCP dahil sa di umano’y “repeated failure” nito lalo na sa naging malawakang power outage sa Western Visayas noong January 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *