Review sa performance ng NGCP, target kumpletuhin ng ERC sa unang quarter ng taon

Target makumpleto ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang review sa performance ng National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) para matukoy ang bagong power transmission rates sa unang quarter ng 2024.

Ayon kay ERC chairperson Monalisa Dimalanta, inaasahan nilang matatapos agad ang pag-aaral, at hindi lang report ang kanilang ilalabas.

Kinumpirma kasi nito na tinitingnan din nila ang pagkakaroon ng bagong rates, kasunod ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos na kumpletuhin na ang NGCP rates nang walang delay.

Ito naman ay matapos ang malawakang power outage sa Panay – na ayon kay Dimalanta at Department of Energy ay naagapan sana.

Samantala, nanindigan ang NGCP na normal ang system bago ang naging aberya sa mga power plant units na siyang nagdulot ng malawakang power outage sa Panay Island, at inaksyonan nila ito nang naaayon sa mga protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *