Reymart ‘The Assasin’ Gaballo – muling sasabak sa ring kontra sa Mexicanong si Kenbun Torres!

Muling sasabak sa ring ang reigning WBO Oriental bantamweight chapion na si Reymart Gaballo.

Makasasagupa ni The Assasin ang Mexicano na si Kenbun Torres sa kaniyang ring comeback mamayang gabi sa Midas Hotel and Casino.

Susbukan ng 27-anyos na si Gaballo na matuluy-tuloy ang kaniyang winning streak na 27 wins with 22KOs, at tanging isang talo.

Ang 36-anyos na si Kenbun naman ay mayroong 13 wins with 9 KOs; at 5 losses.

Kung maaalala – nitong Pebrero nang pabagsakin ni Gaballo ang Thai opponent na si Phai Pharob sa loob lang ng 32 segundo sa unang round ng laban.

Matapos ang laban, ta-targetin umano niyang makasagupa sa ring ang WBO World Champion na si Jason Moloney.

Tuluy-tuloy naman ang pasalamat ni Gaballo sa lahat ng mga sumusuporta sa kaniya, pati na rin sa bumubuo ng Brigada Group of Companies, at kina Brigada Group Chairman and CEO Elmer V. Catulpos, at Vice Chairman Yelcy Yasay Catulpos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *