Ria Atayde, hindi pa buntis, ayon sa kapatid na si Gela

Pinabulaanan ng aktres na si Gela Atayde ang tsismis na buntis umano ang kanyang kapatid na si Ria Atayde.

Umikot ang espekulasyon matapos na inanunsyo kamakailan ni Ria ang kanyang engagement sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Nilinaw ni Gela na hindi totoo ang espekulasyon, dahil na-diagnose si Ria na may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), kaya nahirapan siyang magbuntis kaagad.

Gayunpaman, idinagdag niya na nais nilang pamilya na makabuo pa rin silang dalawa, lalo na’t 32 years old na rin si Ria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *