Patay ang isa habang sugatan ang isa pang rider matapos magbanggaan sa National Highway ng Bgy. Bulalacao, Bataraza, Palawan nitong Sabado, June 25, 2022.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng Yamaha Aerox motorcycle ang isang biktima na binawian na ng buhay na si Blesster Jess Lusoc Alfonso, 27 anyos na residente ng Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Nakabanggaan niya ang Honda click 125 motorcycle na noo’y minamaneho ni Bruce Lee Kang Asmarudin, 32 anyos na residente ng Bgy. Riotuba, Bataraza, Palawan.
Papunta sana sa Brgy. Riotuba mula sa Puerto Princesa si Blesster nang makabanggaan nito si Bruce Lee na papunta sanang Brooke’s Point.
Samantala, agad silang dinala sa Bataraza Hospital nitong Sabado habang ang mga motorsiklo ay nasa Bataraza MPS.
CAMARINES NORTE - Inanunisyo ng Civil Service Commission na simula sa May 13 hanggang June…
Boluntaryong sumuko ang negosyanteng si Cedric Lee sa National Bureau of Investigation matapos na mahatulang …
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…