Rizal Mayor Odi , hiniling sa mga kababayan na suportahan ang tambalang Alvarez-Odi sa 2022 election.

Kinumpirma ni Rizal Mayor Otol Odi sa Brigada News FM na magtatambal sila ni Palawan Governor Jose Chavez Alvarez sa darating na 2022 National and Local Election.

Ayon kay Mayor Otol Odi ng Rizal Palawan, siya ay kakandidato sa Rizal bilang bise – alkalde at si Gov. JCA ang tatakbo bilang mayor.

“Ako po ay nananawagan sa mga baranggay mula Bunog hanggang Canipaan na sana hinihiling ko na suportahan si Governor Alvarez na magiging Mayor ng bayan ng Rizal sapagkat nakikita ko ang development , pagunlad dito sa bayan ng Rizal “.- ani Mayor Otol Odi sa Brigada News FM.

Nitong May 5 ay sinabi ni Mayor Odi na sinamahan niya sa of Comelec si Gov. JCA upang maghain ng Transfer of Registration.

Mula sa bayan ng San Vicente ay nagpalipat ng rehistro sa Brgy. Puntabaja, Rizal si Alvarez.

Idinagdag pa ni Mayor Odi ay matagal na silang nag-usap ng gobernador tungkol sa kanilang kandidatura at mga plano sa bayan ng Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *