Road clearing mas magiging epektibo kung may local ordinance—DILG Sorsogon

SORSOGON CITY—Nais ni Department of Interior and Local Government (DILG)-Sorsogon head Julius Rodel Cal Ortiz na magkaroon ng road clearing ordinance ang mga LGU sa buong lalawigan.

Sa panayam sa opisyal, hiniling nito sa syudad at sa 14 na mga munisipalidad ng probinsya na magpasa ng ordinansa kaugnay sa road clearing gayundin sa pagsasaayos ng mga barangay road at ang paturn-over ng kanilang mga road cleared.

Mahalaga anya ang nasabing mga ordinansa upang magkaroon ng batayan para sa pagpapataw ng penalidad sa mga lalabag dito.

Mas magkakaroon din anya ng ngipin ang polisiya lalo na at ugali umano ng marami na hangga’t walang nahuhuli at nasasampolan ay talagang hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na panuntunan sa komunidad.

Mababatid na nitong Hunyo ay ibinaba ng DILG central office ang Memorandum Circular 2022-085 para sa pagpapatupad ng road clearing in the new normal kung saan maliban sa mga LGU ay katuwang din ang PNP at BFP.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *