Robert De Niro binati Al Pacino sa pagiging ama ulit sa edad na 83

Binati ng aktor na si Robert de Niro ang kanyang kasamahan na si Al Pacino dahil sa pagiging ama muli sa edad na 83-anyos.

Tila ayaw magpatalo ng veteran Hollywood actor sa kapwa niya aktor na si De Niro na unang inanunsyong mayroon siyang bagong baby na ika-pito niyang anak sa edad na 79-anyos.

Walong buwang buntis na kasi ang 29-anyos na nobya ni Pacino na si Noor Alfallah, na isang producer.

April 2022 umano nang maugnay si Pacino kay Alfallah.

Mayroon nang tatlong anak si Pacino; isa sa acting coach na si Jan Tarrant, at kambal naman sa aktres na si Beverly D’Angelo.

At gaya ni Pacino, may kambal ding anak si De Niro.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *