Robi Domingo at asawang si Maiqui, ibinunyag kung bakit napiling ninong si Piolo Pascual

Ibinunyag ni TV Host Robi Domingo at ng kanyang asawa na si Maiqui Pineda kung bakit nila piniling ninong si Piolo Pascual.

Ayon kay Robi, nagsimula silang mag-date noong 2017 at naging instrumento si Piolo sa kanilang relasyon.

Pinilit raw kasi siyang umakyat ni Papa P. sa stage para sa isang event kahit pagod na pagod na siya, kung saan niya nakita at nakilala si Maiqui.

Dito na rin sila nagpalitan ng numbers dahil pareho silang single noong taon na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *