Robinhood: ‘tatlong joints’ at ‘papiso-pisong’ halaga ng droga, ‘di na dapat ikulong

Tila nakakuha ng kakampi si Senador Bato dela Rosa hinggil sa ipinapanukala nitong pag-alis-kulong sa paggamit ng iligal na droga.

Sinuportahan kasi ni Senador Robinhood Padilla ang plano nitong decriminalization sa illegal drug use.

Ayon kay Padilla, hindi na dapat pang ikulong ang mga drug personalities na makukuhaan lamang ng ‘piso, dalawang piso, ‘o tatlong joint’ ng ipinagbabawal na gamot.

Nilinaw pa ng Senador na wala namang sinabi si dela Rosa na gagawin nang legal ang paggamit ng iligal na droga.

Dapat aniyang mapatotoo ang ‘save the user, jail the pusher’ sa pamamagitan ng rehabilitation sa mga drug offenders na makukuhaan lamang ng maliit na halaga ng droga; habang kulong naman ang kahaharapin ng mga malalaking isda kagaya ng mga drug lords.

Giit ni Padilla, sa dinami-dami raw ng mga rehabilitation centers sa bansa ay hindi naman ito napupuno.

Matatandaaang una nang sinabi ni dela Rosa na nais niyang ipa-decriminalize ang drug use para ma-decongest ang mga kulungan sa bansa.

Sa kabila niyan, muling sinabi ng dating PNP chief na nagdadalawang-isip na siya kung itutuloy niya ba ang kanyang plano lalo na’t nadagdagan pa ito ng pag-kontra mula sa mga law enforcement agencies.
#

RELATED STORIES:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *