Robredo, ipinaliwanag ang pagtaas sa kanyang 2020 SALN

Ipinaliwanag ni Vice President Leni Robredo na tumaas ang kanyang net worth noong nakaraang taon sa P11.9 million, dahil sa mga ari-arian na naiwan ng kanyang pumanaw na ina.

Ito ang pinakamalaking increase mula sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) noong 2019, na nagsasaad ng net worth na P3.5 million.

Ayon kay Robredo, bilang nag-iisang anak sa Pilipinas, hiniling umano sa kanya na maging “executor” ng mga ari-arian ng kanyang ina, na isinama niya sa kanyang 2020 SALN.

Sa katunayan, hindi pa nga umano niya ito natatapos dahil marami pa silang nadidiskubre na wala sa listahan dati.

Nilinaw naman nito na wala pa silang binubuong extrajudicial settlement, dahil marami pa umano silang inaayos. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *