Rolex brand na relo na nakuha sa butas ng upuan, ibenenta sa milyun-milyong halaga

Mahilig ka bang pumunta sa mga surplus outlet  o mga ukay-ukay stall sa inyong lugar para maghanap ng mga bagay na pwede pang magamit at mapakinabangan?

Isang babae kamakailan lang sa Canada ang nabigla nang makakita ng isang relo sa kanyang biniling sofa.

Ayon sa naturang babae, habang  siya ay nanonood ng TV  bigla na lang napadulas ang kanyang cellphone at nahulog sa isang butas sa kanyang inuupuan.

Nang kunin niya ang relo laking tuwa dahil isang sikat at mamahaling brand ang kanyang natagpuan.

Ipinagbigay-alam niya ito sa may-ari at nang makumpirmang wala namang naghahanap ng relo ay agad na ibenenta ang naturang relo na napag-alamang, isa lamang ito sa 3000 Rolex watch 1966 model na ginawa ng naturang brand.

Naibenta niya ito ngm US$250,000 o PHP14 million sampung beses sa naging presyo ng kanyang biniling sofa na nagkakahalagang US$25 o PHP1,400. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *