Rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo – nakaamba sa susunod na linggo

Matapos ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong Martes – GOOD NEWS naman dahil posibleng rollback ang aasahan next week sa lahat ng mga oil products.

Matapos ang apat na araw na trading – posibleng magbawas mula P1.00 hanggang P1.20 sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina naman, rollback din ang estimates ng mga oil industry sources mula P0.40 hanggang P0.60.

Sa kerosene naman, may aasahan ding tapyas mula P0.80 hanggang P1.00 sa kada litro nito.

Bukas, araw ng Sabado, malalaman ang final estimates, habang sa Lunes naman ia-aanunsyo ang opisyal na price adjustment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *