Rollback sa oil prices, namumuro sa susunod na linggo

ABISO SA MGA MOTORISTA! – Asahan na ang bagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) – matapos ang apat na araw na trading ay downward ang trend na nakikita nila.

Sa gasolina – posibleng magtapyas ng halos piso sa kada litro nito.

Mayroon namang inaasahang piso o higit pa na rollback sa kada litor ng diesel; habang halos piso rin ang ibabawas sa kada litro ng kerosene.

Sa kabila nito, mayroon pang isang araw na trading at posible pa itong mabawasan, ‘o ‘di kaya nama’y madagdagan pa.

Maaalalang oil price hike ang galaw ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo matapos patikimin ng katiting na rollback noong ikatlong linggo Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *