Rollback sa petrolyo, ipinatupad

SORSOGON CITY – Nagpatupad kahapon, Abril 5 ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolya ang mga higante at independent players.

Sa lalawigan ng Sorsogon, ang anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Phils, Seaoil at Shell ang presyo ng kanilang diesel ay mababawasan ng P1.85 bawat litro habang ang kanilang gasolina ay mababawasan ng P2.30 bawat litro.

Sa Phoenix, ang presyo ng kanilang diesel ay P71.50 bawat litro, sa Super Unleaded naman ay P73.10 bawat litro at P76.60 naman sa Premium.

Sa presyo ng diesel sa Shell ay P71.50 bawat litro, sa Powere diesel ay P76.95, P73.10 naman sa unleaded habang P76.60 ang presyo ng Premium.

Pinakamura naman sa KBC kung saan ang presyo ng kanilang diesel ay P69.50 bawat litro, P70.70 naman sa unleaded habang P71.50 bawat litro sa Premium.

Sa Extreme, ang presyo ng kanilang diesel ay P72.65 bawat litro, ang unleaded ay P76.11 habang ang Premium ay P75.68 bawat litro.

Ang presyo naman ng diesel sa Petron ay P70.13 bawat litro, P70.70 bawat litro ang extra habang ang kanilang XCS o Premium ay P72.95 bawat litro.

Ang rollback ay matapos na idineklara ni US President Joe Biden ang pagpapalabas ng lana mula sa kanilang strategic petroleum reserve.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *