Romualdez, binasag ang rekomendasyon ng isang mambabatas hinggil sa bentahan ng itlog

Binasag ni House Speaker Martin Romualdez ang rekomendasyon ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones na gawing per kilo ang bentahan ng itlog.

Ayon kay Romualdez baka mabasag pa ang mga itlog kung gagawing per kilo ang bentahan nito.

Hindi din pabor dito ang ilang mag-iitlog at mga retailer dahil baka mas ikalugi pa nila ito.

Nilinaw naman ng egg council na dapat ipakita ang timbang ng mga itlog para hindi magkarooon ng dayaan sa bentahan.

Ang pinakamaliit na itlog ay may bigat na 50-54 grams, ang medium naman ay may bigat na 55-59 grams habang ang large ay 60-64 grams, 65-69 grams naman ang extra-large at 70 grams pataas naman ang Jumbo.

Sinabi ni Romualdez na dapat gawing regular ang pag-inspeksyon sa mga pamilihan para matiyak na sumusunod ang mga retailer sa tamang presyo.

Una ng sinabi ng Department of Agriculture na nagkakaroon ng dayaan sa bentahan ng itlog dahil walang paraan ang mamimili para malaman paano natukoy ang size at presyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *