Romualdez, kumpiyansang hindi magreresulta sa pang-aabuso ang Pilipinas at Japan access deal

Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi magreresulta sa pang-aabuso sa mga Pilipino ang panukalang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Sinabi pa ni Romualdez na magiging maaayos at maganda at magaan ang relasyon ng Pilipinas at Japan pagdating sa RAA.

Ang RAA ay ang bersyon Japan at Pilipinas ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Nagpahayag naman ng pangamba ang ilang mambabatas sa RAA dahil maaari umano itong magaya sa VFA kung saan mayroong mga sundalong Amerikano na umabuso ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *