Romualdez, nilinaw na wala siyang inaatake sa sinumang kaalyado ng administrasyon

Nilinaw ni House Speaker Martin Romualdez na wala siyang inaatakeng sinumang kaalyado ng administrasyong Marcos.

Ito ang sagot ni Romualdez nang matanong tungkol sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa relasyon nila ng House leader.

Sinabi ni Romualdez na iginagalang at sinusuportahan niya si VP Sara bilang pangalawang pangulo at Education Secretary at wala siyang matandaan na sinabi o ginawa upang siya ay atakehin.

Iginiit nito na may pinagsamahan naman sila ni Duterte bilang siya ang campaign manager kahit wala siyang kinalaman sa pagiging bise-presidente nito.

Masaya umano si Romualdez na nagbunga ang pagsisikap at nagtagumpay ni VP Sara sabay pag-amin na nami-miss na niya ito dahil matagal na silang hindi nagkakasama sa trabaho.

Mababatid na inihayag ni Duterte na ang magsasalarawan ng kanilang relasyon ni Romualdez ay ang galing kay Senadora Imee Marcos kung saan kinuwestyon nito kung bakit inaatake ng Speaker ang kaalyado ng administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *