Rooftop ng provincial capitol, lalagyan ng fitness gym

KORONADAL CITY – INIUTOS ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang pagpapatayo ng fitness gym sa rooftop ng provincial capitol building.

Inihayag ni Governor Tamayo na ito ay lalagyan ng mga gym equipment katulad ng treadmill, bike at iba pa para sa mga empleyado na gustong mag-ehersisyo at mapanatili ang kanilang healthy lifestyle.

Naniniwala ang gobernador na kung maganda ang kalusugan ng mga empleyado, magagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang trabaho. Samantala, maglalaan naman ang gobernador ng P 1 million mula sa sarili nitong bulsa bilang premyo sa Biggest Loser contest para sa mga obese at overweight. May premyo din para sa mga underweight na makakabalik sa kanilang normal na timbang at body mass index o BMI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *