Rotational brownouts, posibleng tumagal hanggang June 7- NGCP

Asahan nang makakaranas ng rotational brownouts sa buong unang linggo ng Hunyo sa gitna ng manipis na suplay ng kuryente dahil sa planned at unplanned outages ng ilang power plants. 

Sa isang virtual press conference, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na magpapatuloy hanggang June 7 ang red at yellow alert status na nakataas sa Luzon grid maliban sa weekends dahil madalas na mababa uang power demand pag Sabado at Linggo. 

Ngayong araw nga ay isinailalim ang Luzon Grid sa yellow alert mula alas 9 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga, mula alas 5 ng hapon hanggang alas 6 ng gabi, at mula alas 10 ng gabi hanggang alas 12 ng madaling araw. 

Itinaaas naman ang Red Alert mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon at mula alas 6 ng gabi hanggang alas 10 ng gabi, ibig sabihin zero ancillary services o mayroong generation deficiency. 

Sinabi ng NGCP na magpapatupad sila ng manual load dropping (MLD) o rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon para mapanatili ang power system. 

Para kay NGCP head of Luzon System Beng Abadilla, inaasahan ng NGCP na babalik sa normal ang suplay ng kuryente sa June 8 dahil babalik na online ang mga malalaking planta na nagpatupad ng forced outage. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *