Rufa Mae Quinto, balik PH matapos ang 2 taon

Balik Pilipinas na si Rufa Mae Quinto, matapos ang pananatili nito sa United States sa loob ng dalawang taon, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nagbahagi ang actress-comedian ng kanyang mga moments sa kanyang Instagram, mula sa pananatili nito sa isang resort sa Batangas, bilang marka ng kanyang pagbabalik sa bansa.

Maliban dito, ipinakita rin ni Quinto ang larawan na siya ay nakasuot ng scuba diving gear, maging ang pagrerelax nito sa duyan.

Matatandaan na si Quinto at kanyang asawang si Trevor Magallanes ay ikinasal noong November 2016 at wenelcome ang kanilang anak noong February 2017.

Matapos ang ilang taong pagiging long-distance relationship, dahil si Magallanes ay nakabase sa US, namalagi ang mag-ina noong 2020 sa abroad, bilang isa sila sa mga nakaranas ng pandemic lockdowns sa California. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *