Ruffa Gutierrez, itinangging nagdadalang tao

Pinabuluaanan ni Ruffa Gutierrez ang mga alegasyong nagdadalang tao siya, at ang ama nito ay ang kanyang rumored boyfriend na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ikinagulat raw niya na marami na siyang kaibigan sa indsutriya na nag ko-congratulate sa kanya.

Dahil dito, nag-post siya sa kanyang social media ng mga screenshots ng tabloid at iba’t ibang articles hinggil sa mga chismis.

Sa huli, nilagyan niya ito ng caption na “FAKE NEWS!”

Maalalang naging usap-usapan ang relasyon ni Ruffa at Herbert noong taong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *