Russia, may listahan ng mga Ukrainians na papatayin o ipapadala sa mga kampo?

Nagbabala ang United States sa United Nations na mayroon silang impormasyon na mayroon nang listahan ang Russia ng mga Ukrainians na papatayin o ippadala sa mga kampo, sakaling magkaroon ng invasion.

Sa liham na ipinadala kay UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, nakasaad rin umano dito na posibleng gumamit ang Russian forces ng lethal measures para i-disperse ang payapang protesta o magsagawa ng peaceful exercises ng perceived resistance mula sa civilian populations.

Ang note na nilagdaan ni Bathsheba Nell Crocker, US ambassador to the UN sa Geneva, na nagbababala ng Russian invasion sa Ukraine ay maari umanongmagdala ng pang-aabuso, gaya ng kidnappings o torture, at maaring targetin ang political dissidents at religious at ethnic minorities.

Una nang inihayag ng US at Western allies na batay sa kanilang pagtaya, naglagay ang Russia ng mahigot 150,000 tropa malapit sa borders ng Ukraine sa mga nakalipas na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *