Russia-Ukraine talks, natigil – Russian Foreign Minister

Kinumpirma ni Foreign Minister Sergei Lavrov na ang negosasyon sa pagitan ng Moscow at Kyiv para tapusin na ang halos dalawang buwan nang military campaign ng Russia sa pro-Western Ukraine ay natigil.

Ang pahayag ni Lavrov ay matapos ang kanyang pakikipag-usap sa kanyang Kazakh counterpart sa Moscow, at sinabing hindi pa nakakatanggap ang Russia ng sagot sa latest proposal na kanilang ipinadala.

Dahil dito, sinabi ng Russian foreign minister na may pakiramdam siyang mukhang ayaw ng Kyiv na ipagpatuloy ang negosasyon.

Una nang sinabi ng Kyiv na ang negosasyon sa Russia na tapusin ang giyera ay lubhang mahirap.

Samantala, sa pakikipag-usap naman ni Russian President Vladimir Putin kay EU chief Charles Michel, inakusahan nito ang Kyiv na kulang ng consistency sa kanilang demands sa talks at hindi handa na maghandap ng mutually acceptable solutions. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *