Ryan Bang, nag-share ng experience bilang red carpet host ng AAA

Ibinahagi ni Ryan Bang ang kanyang once in a lifetime experience bilang host ng red carpert event ng Asia Artist Awards.

Na-interview si Ryan ng malalaking news outlets sa kanyang homeland at na-amaze sila sa kanyang multiligual hosting in English, Filipino at Korean.

Nakausap din ng dating Pinoy Big Brother Housemate ang mga members ng Stray Kids, at New Jeans.

Inimbitahan ni Ryan ang mga Kpop Artists na dumaan sa isang noon time show pagbalik nila sa bansa pero iyon nga lang sabi niya ‘ininvite niya ang mga ito in Filipino.’

Viral ngayon sa social media ang hosting ni Ryan na maypa-side comments pa gaya nang paglabas ni Melai Cantiveros komento nito – ‘Wow feel na feel.’

Paglabas naman ni Kim Seonho – Korean actor na bida sa Hometown Cha Cha Cha, sabi ni Ryan ‘Sobrang gwapo, grabeh! Gawin mo lahat ng heart ng gusto mo basta ikaw.’

Nagpasalamat si Ryan sa mga bumubuo ng Asia Artist Awards 2023 sa isang malaking opportunity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *