Ryza Cenon ipinasilip ang loteng pagtatayuan ng kanilang bahay

Minarkahan ng aktres na si Ryza Cenon ang isa nanaman milestone kasama ang kanyang pamilya matapos lamang ang ilang buwan mula nang siya ang manganak.

Sa Instagram post ni Cenon ay makikita na ibinahagi niya ang kaniyang litrato kasama ang kaniyang pamilya habang nasa tapat ng bakanteng residential lot.

Sinulat ni Cenon sa caption nito, “We will build beautiful memories together,” na sinundan ng house emojis.

Matatandaan na winelcome ni Cenon at ng partner nito na si Miguel Cruz ang kanilang panganay noong October 2020.

Una nang inihayag ni Cenon na plano nila ng kanyang mister na ibuhos ang kanilang atensyon sa kanilang sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *