Sagupaan sa pagitan ng militar at npa, muling sumiklab sa cagayan; mga armas at pampasabog, narekober

Panibagong engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebeldeng NPA ang naganap noong February 28, 2022 sa lalawigan ng Cagayan partikular sa Sta. Margarita sa bayan ng Baggao kung saan narekober ang iba’t-ibang kagamitang pandigma at pampasabog ng mga rebelde.

Ayon kay LtC Joeboy Kindipan, Battalion Commander ng 77IB, bago ang insidente ay kasalukuyan umanong nagsasagawa ng Focused Military Operation ang kasundaluhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente mula sa banta ng makakaliwang pangkat.

Dito ay pinaputukan umano sila ng hindi mabatid na bilang ng mga miyembro ng East Front Committee, Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley sa ilalim ng pamumuno ni alias Bon.

Tumagal ang sagupaan sa loob ng 20 minutos kung saan umatras din ang mga rebelde at tumakas sa timog na direksyon.

Narekober ng mga kasapi ng 77th IB ang isang M16 rifle, dalawang caliber 45 pistols; magazine at bala ng kalibe 45; anim na magazine at 52 na bala ng M16; granada; handheld radios at iba pang mga kagamitan.

Inihayag naman ni BGen. Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade na ang pagkakarekober sa mga war materials ng makakaliwang pangkat ay tiyak na magpapahina sa kanilang pwersa.

Photo/5ID

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *