Sahod, pinare-review ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magsagawa ng pagsusuri sa minimum wage rates sa kani-kanilang rehiyon.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Labor Day sa Palasyo ng Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na ang hakbang na ito ay tugon sa nararanasang inflation.

Binigyan sila ni Pangulong Marcos ng animnapung araw bago ang anibersaryo ng pinaka huling adjustment ng minimum wage.

Kaugnay nito, nagbigay din ng direktiba ang Presidente para sa National Wages and Productivity Commission na suriin ang kanilang mga patakaran upang tiyakin na ang mga Board ay makakapagpanatili ng regular at inaasahang schedule ng pagsusuri ng sahod, paglabas ng desisyon, at epekto nito upang mabawasan ang kawalan ng katiyakan at mapalakas ang katarungan para sa lahat ng mga interesadong partido.

Nananawagan din ito sa National Wages and Productivity Commission na repasuhin ang mga alituntunin nito upang matiyak na ang board ay makakapagpanatili ng regular at predictable schedule ng wage review, issuance, at effectivity nito upang mabawasan ang kawalan ng katiyakan at mapahusay ang pagiging patas para sa lahat ng stakeholder.

Maliban pa rito – umapela rin ang Pangulo sa Kongreso na ipasa na ang mga panukalang batas na magsusulong sa mas marami at mga de kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *