Sakay sa  isang ambulansiya na inakalang patay na, nabuhay matapos maalog ang sinasakyan sa isang malubak na daan

BNFM Bicol— May isang lolo sa India na na-diagnose na may severe chest infection na mas lalong nagpahirap sa kanyang  pre-existing heart condition dahilan para bawian siya ng buhay sa isang ospital.

Pero maniniwala ba kayo sa naging takbo ng kanyang kapalaran?

Matapos ngang ideklarang patay ang nasabing lolo na pinangalanang Darshan Singh Brar, 80-anyos, na residente ng Haryana sa bansang India.

Agad na dinala ito sa pinakamalapit na punerarya para ihanda sa kaukulang serbisyo lulan ng isang ambulansiya.

Habang binabaybay ng ambulansiya ang isang  daan patungo sa Kaithal, isang distrito sa Haryana bigla na lang nauga ang sinasakyang ambulansya sa isang pothole o lubak sa daan dahilan para muling mabuhay ang nasabing matanda.

Nabigla ang  mga kasamahan sa naturang ambulansiya nang biglang nagkapulso ang isang patay na lolo.

Kaya naman dali-dali nilang sinugod sa pinakamalapit na ospital at napagkaalamang muling nabuhay ang inakalang patay na matanda.

Milagro nga kaya itong maituturing? ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *