Saliva RT-PCR testing ng Philippine Red Cross available na sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Available na sa Camarines Norte ang Saliva RT-PCR Testing ng local chapter ng Philippine Red Cross

Ayon kay G. Ferdinand Salvador Q. Ferrer, chapter administrator ng PRC-sa lalawigan matatagpuan sa Provincial Hospital Compound sa bayan ng Daet ang collection site na available kada Biyernes, alas 8 ng umaga hanggang  alas 3 ng hapon

Ayon pa kay G. Ferrer, upang makapagpaschedule ng Saliva RT-PCR Test: kinakailangang:

1. I-search ang book.redcross1158.com o tumawag sa numerong (0998) 793 7159. (Kung magpapabook online, dumiretso sa Step 2.)

2. Maaaring magbayad via Bank Deposit or Bank Transfer

Bank:  Banco De Oro

(Unibank)

Account Name: Philippine Red Cross

Account Number: 00-453-8015635

Testing Fee: 2,000 Pesos

3. Mag fill-up ng e- Case Investigation Form bago ang appointment. Maaari itong gawin sa c19.redcross.org.ph/public-ecif. Makatatanggap ng retriever code pagka-submit.

4. I-send via email sa [email protected] ang mga sumusunod:

– Deposit Slip

– Your Name

– Retrieval Code

5. Inonotify kayo ng pagkatapos ng scheduled date and time ng Saliva Collection.

6. Kailangan na nasa appointment venue na 15 minutes bago ang scheduled time para sa verification at security check.

6. Ang resulta ng test at matatanggap via email, 24-48 hours. Maaari rin itong mai-track sa c19.redcross.org.ph/track

Samantala, pinapayuhan naman na manatili sa tahanan ang mga clients for testing hanggang mailabas ang negative result ng test bilang pag-iingat.

(photo courtesy of Philippine Red Cross)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *