Samahang Padilla at Quiboloy, wala raw iwanan -mambabatas

Nanindigan ni Senador Robin Padilla na ang samahan nila ni Apollo Quiboloy ay walang iwanan dahil kapwa nilang gustong tapusin ang armed struggle sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, katulad ng binangit ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang kaibigan ay kaibigan lalo na’t kung kakampi mo pa ito.

Alinsunod nito, hinikayat niya ang publiko na ‘wag iwanan si Quiboloy dahil na rin sa di umano’y sakripisyo nito para sa bayan.

Maalala, una ng binigyang-diin ng senador na hindi niya hahayaang mainsulto o maeskandalo si Quiboloy dahil sa naging pinagsamahan nila sa paglaban sa mga terorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *