San Antonio LGU tiniyak na maipapatupad ng maayos ang Anti-Noise Ordinance

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng San Antonio, Zambales na maipapatupad ng maayos ang Anti-Noise Ordinance sa bayan.

Kaugnay nito, bumili ang LGU ng mga Decibel Meter na ipinamahagi sa mga labing-apat na baranggay para magamit sa pagpapatupad ng ordinansa.

Nito lang nakalipas na February 12 ay ipinakita ng LGU at mga otoridad kung paano ito gamitin.

Ayon kay Mayor’s Office Focal Person for Peace & Order Geraldo Pulongbarit, mayroong karampatang multa at parusa ang mga lalabag sa Municipal Ordinance No. 23-111.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *