San Fernando Electric Light & Power Company, naglabas ng pahayag kaugnay ng pagtataas ng bayarin sa kuryente

Naglabas ng pahayag ang San Fernando Electric Light & Power Company o SFELAPCO, kaugnay ng pagtataas ng bayarin sa kuryente ng kanilang mga konsyumer.

Sa kanilang pahayag ay nakasaad rito na tumaas ng mahigit piso per kilowatt hour ang Generation Charge ng kuryente sa buwan ng Hunyo dahil sa patuloy na pag-gamit sa mga appliances.

Ang pansamatala umanong pagtaas sa Generation Charge ay dulot ng pag palya at pagkasira ng maraming Generating Plants, bagay na nakaapekto sa supply ng kuryente sa maraming Distribution Utilities o DUs na sinabayan pa ng mataas na demand sa kuryente.

Kaya nag resulta rin umano sa mas mataaas na presyo ng kuryente per kilowatt hour sa whole sale electricity spot market.

Samantala, nilinaw ng pamunuan ng SFELAPCO na ang tumaas na Generation Charge na pass through charge ay ibabayad din umano nila sa pinagbilhan nila ng kuryente at wala umanong kaukulang pagtaas sa distribution charge ng kanilang ahensya sa loob ng mga nakalipas na maraming taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *