Pinuri ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon ang mga alkalde sa Metro Manila para sa inoculation efforts para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa capital region.
Giit ni Dizon, maganda ang nagawa ng mga alkalde, kung saan sa loob ng lang dalawang araw ay mahigit na sa 100,000 shots ang naiturok sa mga residente sa Metro Manila.
Nakikita naman nito na ang San Juan City ang posibleng kauna-unahan sa Pilipinas na makakaabot sa kanilang target na pagbabakuna sa 70% ng kanilang populasyon.
Ayon sa testing czar, lampas na sa kalahati ang mga nababakunahan ng naturang lungsod mula sa kanilang target na 80,000.
Sa ngayon, sinimulan na ng San Juan at Mandaluyong ang pagbabakuna sa indigent citizens o sa A5 group. // MHEL PACIA -TRINIDAD