San Luis, nag lunsad ng “Baka para sa bakuna”

Magpapa-raffle ng isang baka kada buwan ang bayan ng San Luis sa mga residente nila na magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay San Luis mayor Jay Sagum, paraan nila ito para mahikayat ang mga taga San Luis na magpa bakuna.

Mataas raw kasi ang vaccine hesistancy sa kanilang bayan, sa katunayan nasa 20% pa lang ng mga senior citizen ang nabakunahan sa kanilang munisipyo.

Paglilinaw naman ng alkalde, ang pondo na ipambibili ng baka ay magmumula sa donasyon at hindi mula sa pondo ng gobyerno.

Samantala mula naman ng inanunsyo ng San Luis ang kanilang pakulo, marami na anya ang nagpa register na nais magpabakuna.

Magtatagal naman ang kanilang pakulo mula June 2021 hanggang June 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *