Sanggol, iniwan sa simbahan sa Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR- “Kawawa naman” ito ang komento ng mga nakakita at ng mga netizen sa sanggol na iniwan sa simbahan sa Pili, Camarines Sur.

Kita sa kuha ng CCTV ng Christ The King bandang alas- 7:57 ng umaga nitong Martes, may pumaradang SUV malapit sa simbahan , bumaba ang isang lalaki sumunod naman ang babaeng may dalang sanggol.

Nagmasid ang lalaki sa paligid, walang mga tao sa oras na iyon at iniwan ng babae ang sanggol. Nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)  ang bata, habang patuloy na inaalam ng pagkakakilanlan ng dalawang nag-abandona at kung sila ba ang mga magulang ng munting anghel.

Samantala, sinabi naman sa BNFM Naga ng pulisya na iniimbestigahan pa nila ang pangyayari para sa kabuuang detalye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *