Sanggol na may special needs sa Ohio, sugatan matapos maling masalakay ng mga pulis

Isang sugatang sanggol ang dinala sa ospital sa Ohio, USA matapos salakayin ng mga pulis ang isang bahay  na inakalang tinitirahan ng kanilang hinahanap na suspek.

Ihahain sana ng mga kapulisan ang search warrant sa isang suspek  dahil sa pagtatago umano nito ng mga armas na ginagamit sa pagnanakaw.

Ngunit napagalamang bago na pala ang nangunguapahan rito.

Dahil sa mga ginamit na flash-bang devices, nahirapan huminga ang batang naka-ventilator at may mga paso ring natamo.

Nag-utos na ang mayor ng Ohio sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *