Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur, nagpasa ng resolusyon na mariing komukondena sa nangyaring robbery at sexual abuse sa apat na guro sa Ocampo Camarines Sur

NAGA CITY–Isang resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur na mariing komukondena sa nangyari pagnanakaw at pang aabuso-sekswal sa apat na guro sa isang Paaralan sa Ocampo noong tanghali ng Agosto 8, 2022.

Nakapalaman sa resolusyon ang malaliman na imbestigasyon ng Philippine National Police para sa agarang pagkakalutas ng kaso at mahuli ang suspek upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ayon sa may akda nitong si 5th District Camarines Sur Board Member Jesha Aina Noble, kasuklam-suklam ang ginawang ito ng suspek sa mga Guro na isinalarawan niya bilang mga bayani ng edukasyon at pundasyon ng bansa.

Ipinaalala rin ni Noble sa PNP ang kanilang mandato sa ilalim ng RA 6975 na layong siguraduhin ang kaligtasan at proteksyon ng publiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas, pagkontrol sa krimen at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan.

Mababatid na nasampahan na ng kaukulang kaso sa piskalya noong August 16, 2022 ang suspek sa krimen na ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *