Sangkaterbang billboard sa main roads, ipinasisiyasat

Pormal nang inihain sa Senado ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Resolution No. 924.

Kung saan layunin ng nasabing resolusyon na siyasatin ang pagdami ng mga billboards sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA, C5 at Roxas Boulevard.

Ayon kay Revilla, maari kase umanong magdala ito ng panganib sa kalsada para sa mga motorista.

Dagdag pa niya, base sa mga naging anecdotal, isa ang billboards sa mga nagiging sanhi ng mga aksidente sa daan dahil sanhi umano ito ng ‘distraction’ sa mga nagmamaneho.

Maalala, noong nakaraang 2011 ay mismong si dating Mayor at Department of the Interior and Local Government (DILG), Secretary Benhur Abalos ang mismong humiling na baklasin ant tatlong dambuhalang billboard sa EDSA matapos ang mga reklamong natanggap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *