Sapat na supply ng tubig sa San Fernando, Camarines Sur, patuloy na inaaksyunan ng water supply system

CAMARINES SUR- Patuloy na gumagawa ng hakbang ang San Fernando Water Supply System (SFWSS) para magkaroon ng sapat na supply ng tubig sa lugar. Ito ay matapos na magkaaberya ang ilan sa mga mainline at distribution pipeline nito noong mga nagdaang linggo.

Isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Hanz Lañada, OIC Superintendent ng SFWSS, na kahit unti-unti nang nagiging sapat ang tubig sa bayan, patuloy ang kanilang monitoring sa mga water leakage at pagprotekta sa Banao Kabasanan Watershed kung saan mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpuputol ng kahoy upang hindi maapektuhan ang supply ng tubig na nakukuha mula rito.

Samantala, kaugnay naman ng Fire Prevention Month, mayroong walong fire hydrants na nakahanda sa bayan. Ngayong inaasahang mas iinit pa ang panahon, pakiusap ni Lañada sa mga residente na maging responsable sa paggamit nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *