Sapatos na may malaking halaga, natagpuan sa isang donation box sa isang homeless shelter sa U.S

May mga bagay talaga na mistulang nagiging “blessing in disguise” na kalimitan dumarating sa hindi natin inaasahang pangyayari.

Isang sapatos kasi kamakailan ang nakita sa isang donation box sa isang homeless shelter sa Oregon, U.S.

Ngunit, hindi lamang ito basta sapatos dahil sa isa itong Air Jordan na ikinagulat naman ng mga volunteers.  

Napag-alaman na ito pala ay nag-iisa lamang na pares sa buong mundo dahil ni-customized pa ito ng isang sikat na shoe designer na si Tinker Hatfield.

Dahil rito, inimbitahan si Hatfield para tingnan at inspeksiyonin ang naturang sapatos at nakumpirma ngang orihinal ito.

Ang naturang sapatos ay disenyo niya para kay Spike Lee na siya namang sinuot niya sa Oscar Awards sa taong 2019.

Kaya naman para mapakinabangan ng homeless shelter ang sapatos, ipapasubasta nila ito sa isang Auction House kung saan magsisimula na ang bidding nito ngayong araw, Disyembre 18 na nagkakahalaga ng $10,000 o aabot lang naman sa P560,000 at maaring umabot pa umano sa P20, 000 o tumataginting na P1.1 million ang maaaring kitain dito.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *